Mga kaibigan sa showbiz, dagsa sa unang gabi ng burol ni Chokoleit

Mga kaibigan sa showbiz, dagsa sa unang gabi ng burol ni Chokoleit


Watch more in iWant or TFC.tv  MANILA — Taong 1994 nang magsimula ang career ng comedian na si Chokoleit na nahasa sa comedy bars kung saan tumatak ang kanyang matamis na pangalan  Noong 2004, nakilala si Chokoleit sa hit teleserye na “Marina” bilang si Pearly at ang kanyang life story sa “Maalaala Mo Kaya” na inabangan nang dumarami niyang fans  Kapag siya ang bisita sa isang TV show o live event, asahan ang sunod-sunod na katatawanan ang pakakawalan ni Chokie  Sa hindi inaasahang pangyayari, namatay ni Chokoleit noong Sabado, Marso 9, sa Abra  Luha ang sumalubong sa kanyang mga labi sa unang gabi ng burol ni Chokoleit kagabi Hindi matawaran ang mga nagmamahal kay komedyante sa pagdating ng mga kaibigan at nakatrabaho sa showbiz  Kabilang sa mga nagtungo si Pokwang.  “This year ang dami naming plano, may concert sana kami sa Araneta, ‘yung 4 Da Laffs sana namin Basta sayang, pero thankful na rin kasi alam namin na nandoon siya, alam namin nagpapasaya siya sa itaas,” ani Pokwang  Dumalaw din sa burol si K Brosas at Pooh.  “Napakahirap, ang hirap. Para siyang joke, para kaming nag-show, para siyang nagbibiro Wala na kasing ibang Chokoleit, siya lang,” ani Pooh.  Para naman kay Vice Ganda, nawalan siya ng isang mabuting kaibigan  “I lost a friend. That’s even harder than losing a workmate. I lost a friend and it’s very hard for me Ganun ang pagmamahal niya sa akin, ‘yung sobra siyang masaya sa kung ano ang mayroon ako ngayon Sana mas nabigyan kami ng mas mahabang panahon na magkasama, kaming magkakaibigan,” ani Vice Ganda  Kahapon sa “It’s Showtime” binigyang Saludo si Chokoleit bilang mahusay na performer at mabuting kaibigan Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

About the author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *